HABANGBUHAY na pagkakabilanggo ang naghihintay sa sinomang magnanakaw sa mga pag-aari ng gobyerno lalo pa’t ito’y aabot sa halagang P100,000.
Nilalaman ito ng panukalang batas na inihain ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing kung saan lalong hinihigpitan ang parusa sa mga mapapatunayang guilty sa pagnanakaw ng mga gamit na pagmamay-ari ng gobyerno.
Sa House Bill 5599 na inihain ng kongresista, tataasan ang multang ipapataw sa mga guilty sa pagnanakaw sa mga pagmamay-ari ng gobyerno na talamak aniyang nakawin ang mga riles ng tren, manhole covers, signages, sign posts at iba pa para ibenta at pagkakitaan.
Naging talamak aniya ang pagnanakaw sa mga ganitong gamit na pag-aari ng gobyerno na karaniwang ibinebenta sa mga junkshops. Ito rin aniya ang nagiging dahilan ng mga aksidente.
Ang nabanggit na panukala ay nag-aamyenda sa Section 3 at 6 ng Presidential Decree 1612 o mas kilala bilang “Anti-Fencing Law of 1972.”
Kung aabot sa P100,000 ang halaga ng ninakaw na property ay habangbuhay na pagkakakulong ang parusa, kung nasa P50,000 ang ninakaw ay reclusion temporal ang igagawad o kulong na mula 12-20 taon at kung mas mababa pa ay parusang prision mayor o 6-12 taong pagkakabilanggo. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment