SINAKSAK na, binaril pa ang isang lalaki ng hindi nakilalang lalaki kagabi sa isang iskinita sa 12th St. Port Area, Maynila.
Idineklarang patay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang nakilala lamang sa pangalang Adriane Gavino, base sa nakuhang ID sa kanyang bulsa, nasa edad 30-35, kayumanggi, katamtaman ang pangangatawan, may sporting tribal tattoo sa mga braso at may taas 5’2-5’4.
Nagtamo si Gavino ng limang saksak at liamang tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Sa report ni SPO1 John Charles Duran, ng Manila Police District-homicide section, alas-8:40 ng gabi nang matagpuan ang biktima ni Jonathan Lagradilla, barangay tanod na naghihingalo sa nabanggit na lugar.
Agad isinugod sa pagamutan ang biktima pero idineklarang patay alas-9:52 ng gabi.
Wala namang nakuhang impormasyon ang pulisya kung sino ang pumaslang sa biktima.
Sinisilip namang anggulo ng pulisya ang iligal na droga bilang motibo sa pagpaslang sa biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment