Tuesday, March 3, 2015

Kelot minartilyo ng kainumang parak, todas

BASAG ang bungo ng isang lalaki matapos martilyuhin ng pulis na kanyang sinaksak sa Ilocos Sur kaninang madaling-araw (Marso 2).


Ang biktimang si Marcelino Tacata ay namatay habang ginagamot sanhi ng dalawang malalim na sugat sa ulo.


Isinugod naman sa Metro Vigan Cooperative Hospital sanhi ng isang saksak sa tiyan ang pulis na si SPO2 Allan Tica, ng Bgy. Nalasin.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:55 a.m. sa Bgy. Nalasin, Sto. Domingo, Ilocos Sur.


Sa pagsisiyasat ng PNP-Sto. Domingo, nag-inuman ang dalawa kasama ang isang nagngangalang Felipe Palas at sa gitna nito ay nagkapikunan ang dalawa.


Umuwi si Tacata at nang bumalik ay may dala ng kutsilyo at agad sinaksak si Tica sa tiyan.


Bagama’t sugatan, nadampot naman ni Tica ang martilyo na nakapatong sa lamesa at minartilyo niya ang biktima sa ulo nang dalawang beses na ikinasawi nito. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot minartilyo ng kainumang parak, todas


No comments:

Post a Comment