NATUWA ako sa nabasa ko sa isang kolum ngayong araw na ito mula sa isang sikat na pahayagan na sinulat ng isang sikat na kolumnista.
Ang sabi sa kolum, dumarami raw ang benta ng mga pick-up truck at mga SUV ngayon, hindi lang dahil maganda ang mga ganitong sasakyan kundi sabi ng kolumnista ay marami na raw ang mga Pinoy na gusto na mag-negosyo kaya hindi na lang sa ganda ang pagpili ng bibilhing sasakyan kundi na rin sa kung saan ito pwedeng gamitin pa.
May kaibigan ako na nagsabi sa akin na gusto nga nya bumili ng mini-truck imbes na kotse, kasi magagamit naman nya sa kanyang pamilya ‘yun at magagamit din pang-negosyo.
Maganda ang ganitong trending ng hilig sa ganitong mga sasakyan dahil dikit ang isyu ng kagustuhan ng Pinoy na makapagnegosyo.
Ini-encourage talaga dapat ang mag-negosyo sa ating mga kababayan.
Sa hirap ng buhay ngayon ay hindi na pwedeng isa lang ang pinagkakakitaan ng buong pamilya.
Halimbawa kung nag-o-opisina ang tatay, magaling sana kung nagne-negosyo ang nanay o mga anak na nasa tamang edad na para pangdagdag sa kita.
Napakaraming pwedeng pagkakitaan na makaradagdag kita.
May mga kilala ako na gumagawa ng candy at mga matamis na itinitinda sa mga eskwelahan.
May kilala pa ako na mataas ang pwesto sa isang private office pero pag-uwi sa gabi ay matyagang nagbabalot ng sabon na paninda. At kung may sasakyan ka nga naman pwede ka umangkat ng bigas o gulay o mga prutas.
Dagdag kita, malaking tulong sa pag-angat ng buhay ng pamilya.
Oo at swerte ang mga nakakapagtrabaho sa abroad, pero ang dami kong nakilala na mga kabataan na may kinikimkim na hinaing tungkol sa magulang na kinailangan mangibang-bansa para sa dagdag na kita.
Dahil sa kahirapan ay nagdurusa ang ilang mga anak ng mga OFW na magulang.
Pero malinaw na may ibang paraan na magkaroon ng dagdag-kita. Sabi nga sa isang programa sa radio – “diskarte lang ‘yan.”
***
Mag-email ng reaksyon at opinyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment