SUMAKABILANG-BUHAY na ang aktres at maybahay ni Albert Martinez, na si Liezl Martinez sa edad na 47.
Ayon kay Cheng Muhlach, tiyuhin ni Liezl, binawian ng buhay ang aktres alas-6:15 ngayong umaga, sa Medical City.
Ang aktres ay mayroong stage 4 breast cancer at kumalat na ang infection sa baga nito.
Noong 2007 nang ma-diagnosed si Martinez na may breast cancer.
Taong 2010 nang sabihin ng pamilya Martinez na cancer-free na ang aktres.
Subalit taong 2013 ay kinumpirma mismo ni Albert na bumalik ang sakit ng misis nito.
Ngayon, matapos ang isang linggong pagkaka-confine sa ospital ay binawian na ito ng buhay.
Naiwan nito ang asawang si Albert at tatlong anak nila.
Si Liezl Martinez ay anak ng legendary actress na si Amalia Fuentes at pinsan ng aktor na si Aga Muhlach. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment