Saturday, March 28, 2015

9 patay sa pag-atake sa hotel sa Somali

PINANGANGAMBAHANG tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pagsabog sa Mogadishu hotel sa Somalia.


Ayon sa mga opisyal, ang Al-Shabab militants ang may kagagawan ng pambobomba sa naturang lugar.


Nagsimula ang pag-atake matapos pasabugin ng suicide bomber ang sasakyan na puno ng bomba sa gate ng hotel kung saan agad na pumasok sa loob ang mga gunmen.


Sinabi ni Capt. Mohamed Hussein na halos siyam ang kanyang bilang sa mga nasawi sa pinangyarihan ng insidente.


Inaalam pa sa ngayon kung sino ang mga target ng militante at kung ilang mga sibilyan ang nasa loob ng hotel nang magsimula ang pag-atake.


Napag-alamang nasa apat pang mga gunmen ang na-trap sa loob ng building. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



9 patay sa pag-atake sa hotel sa Somali


No comments:

Post a Comment