NANGANGAMBA ngayon ang lokal na pamahalaan kaugnay sa 30 katao na kumain ng karne ng asong hinihinalang may rabies sa Bgy. Bail sa bayan ng Sto. Tomas, La Union.
Ayon sa Provincial Veterinarian ng La Union na si Dr. Nida Gapuz, kasama nila ang mga kawani ng Sto. Tomas Municipal Health Office na nagbigay ng bakuna sa mga residenteng kumain ng naturang karne.
Kahit na hindi pa kumpirmadong may rabies ang kinain nilang karne ng aso ay nagpahayag ng pangngamba si Gapuz dahil sa ang kinatay na hayop ay pagala-gala at hindi pa nabakunahan ng anti-rabies.
Dahil dito, muli na namang nagpaalala ang opisyal na huwag kumain ng karne ng aso upang maiwasang matamaan ng nakamamatay na rabies at ipinagbabala din ito sa umiiral na batas sa bansa. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment