Tuesday, March 3, 2015

10,000 pamilya, ‘homeless’ sa sunog sa Parola, Tondo

UMAABOT na ngayon sa humigit-kumulang 10,000 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Parola cmpd., Tondo, Maynila.


Sumiklab ang apoy sa isang bahay at mabilis na kumalat sa mahigit isang ektaryang lawak ng mga tirahan ng informal settlers, dahil pawang gawa sa light materials at magkakadikit ang mga ito.


Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 5,000 bahay ang nasunog at 10,000 pamilya ang apektado.


Anim naman ang nagkaroon ng bahagyang sugat.


Umaabot sa P55-milyon ang halaga ng pinsala sa sunog, na sinasabing posibleng dulot ng electrical problem dahil sa mga naka-jumper o iligal na koneksyon ng kuryente o kaya’y ng napabayaang kalan.


Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil bukod sa walang hydrant na mapagkukunan ng tubig sa lugar, matindi rin ang trapik at maraming tao sa kalsada.


Alas-6:23 Martes na ng umaga nang naapula ang sunog.


Nananatili ang mga nasunugan sa limang evacuation centers kabilang ang Delpan Complex, Coastguard headquarters Parola Base, barangay hall at sa Baseco, samantalang may tatlo pang evacuation centers ang inaasahang bubuksan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



10,000 pamilya, ‘homeless’ sa sunog sa Parola, Tondo


No comments:

Post a Comment