Sunday, March 23, 2014

Warehouse sa Pasay, nasunog

NASUNOG ang ikalawang palapag ng isang four-storey building sa Barangay 88, Zone 9, Pasay City, alas-9:00 Linggo ng gabi.


Warehouse ito ng Art Render Printing na pag-aari ng isang Patrick Song kung saan mga papel at mga makinang ginagamit sa pag-imprenta ang natupok.


Ayon kay Fire Chief Insp. Douglas Guiyab ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasay, posibleng nagkaroon ng electrical problem kaya nagkasunog.


Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog na idineklarang fire-out bago mag-ala-1:00 Lunes ng madaling-araw.


Tinatayang nasa P450,000 ang halaga ng natupok na ari-arian.


Wala namang nasaktan o nasugatan sa nasabing insidente.


The post Warehouse sa Pasay, nasunog appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Warehouse sa Pasay, nasunog


No comments:

Post a Comment