ISANG lalaki ang tumalon mula sa hagdan ng istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa GMA Kamuning, Lunes ng umaga.
Ayon sa isang nakakita, alas-9:00 nang mapansin niyang nagpapanhik-panaog ang lalaki at mistulang may hinahabol.
Nang wala na anyang dumadaan sa hagdan, bigla itong tumalon at nahulog sa inner lane ng EDSA.
Agad naman siyang na-rescue ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Hindi pa batid ang kalagayan ng lalaki pero sinasabing buhay naman ito nang isugod sa East Avenue Medical Center.
The post Lalaki tumalon sa MRT-Kamuning appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment