SANA’Y hindi biro at ‘di gawa-gawa ng salamangkero ang mga naglalabasang negatibong kuwento tungkol sa imahe ngayon ng turismo sa Puerto Princesa.
Sa mga balita kasi sa media, bumabagsak daw ang industriya ng turismo rito mula nang si Mayor Lucilo Bayron ang naging Ama ng lungsod.
Pero kung pagbabasehan naman ang mga dumarayong turista, ‘di humihina, bagkus lalong lumalakas ang turismo sa siyudad na ito.
Mula Hulyo 2013 hanggang Enero 2014, na unang panunungkulan ni Mayor Bayron, 367,001 ang bumisitang turista sa Puerto Princesa.
Mataas na ‘di hamak kumpara sa nalathalang 355,805 turista na dumating sa parehong anim na buwan mula Hulyo 2012 hanggang Enero 2013.
At sa pitong buwan pa lamang na panunungkulan ni Mayor Bayron, umabot na sa bilang na 11,196 ang turistang bumisita sa Puerto Princesa.
Dahil sa napakataas na pasok ng turista na ngayon lang nangyari sa lungsod, ‘ito’y patunay na magaling na administrador si Mayor Bayron.
Ang mga naitalang datos na nabanggit ay patunay na ‘di bumabagsak kundi lalong lumalago ang turismo sa siyudad na ito ng Palawan.
Pakiwari natin, may kumilos sa likod ng mga negatibo at ‘di magandang publisidad na nakasisira sa kaaya-ayang ganda ng Puerto Princesa.
Pulitika ang ating naaamoy na ugat ng ‘black propaganda’ na ito dahil malinaw na paninira lamang ang masamang naglalabasang balita ukol sa lugar.
May recall election kasi na niluluto laban kay Mayor Bayron ng kalaban sa pulitika na ‘di matanggap ang pagkatalo sa nakaraang eleksyon.
May crime wave rin daw sa Puerto Princesa, pero pinabubulaanan ito ni MIMAROPA Regional Police Director C/Supt. Melito Mabilin.
Dahil sa sama ng loob, kung ano-anong maling balita ang ikinakalat. Getz n’yo na kung sino ang tinutukoy ko? Ayaw na ng tao sa inyo. Period!
Silipin natin ang ganda ng Underground River. Tayo na sa Puerto Princesa.
The post TAYO NA SA PUERTO PRINCESA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment