Wednesday, March 26, 2014

NASINDAK SI PNP CHIEF ATNCRPO SWAL SA SUGAL

burdado-jun-briones2 MATAPOS maaresto ang milyonaryong wanted na si Delfin Lee ay biglang sinibak ang hepe ng Task Force Usig na si S/Supt. Conrad Capa.


Pero nakaamoy si Col. Capa ng hindi maganda kaya agad itong umalma.


Ang inaasahan nga naman niyang promotion o recognition sa pagkakahuli kay Lee ay sibak ang kanyang inabot! Na para bang senyales na hindi niya ito dapat inaresto.


Baka nga naman matigil ang “patong”. Ehek!


Opkurs, dumipensa si PNP chief na kaya inilipat si Capa sa Region 7 ay dahil sa promotion! Ehem!


Pero nang magsalimbayan na ang hinala ay kaagad sinabi ni Purisima na kung nanaisin ni Capa na manatili sa Task Force Tugis ay ibabalik niya ito.


Meganun? Sandali lang po, Gen. Purisima. Sa tingin mo po ba, sir, ay hindi ito magiging masamang precedent sa hanay ng kapulisan?


Na maaari silang umalma sa anomang “legal order” ng PNP kung hindi nila ito kursunada?


Lumalabas kasi, parekoy, na totoo ang hinala ni Col. Capa at ng taumbayan na protektado nga noon ng pamahalaan ang hijo de-putang mga wanted na mayayaman gaya ni Lee.


Katunayan na tumpak si Capa ay kung ibabalik siya ni Gen. Purisima sa TF Usig.


Lalabas din na nasindak ni Col. Capa ang PNP hierarchy o kaya naman ay may mga alam siya na maaaring ibuyangyang laban sa PNP o kay Gen. Purisima mismo.


Ibig kong sabihin, parekoy, naganap na ang paglilipat kay Capa.


Kung ‘yun man ay sanction o promotion ay nararapat lang na panindigan ng PNP. Peryud!


-o0o-


MALIBAN sa naglipanang video karera machines ni Gina Gutierrez at “lotteng” ni Boy Abang, may isa pang sikat na pwesto ngayon ng sugal sa Maynila.


Sa Bangkusay area, sakop ng Stn. 1 ng MPD, ay nakalatag ang “pwesto-pijo” ni Ombeng.


Taga-Malabon itong si Ombeng na bata ni Navotas City Mayor Tiangco.


At kaya pala nagyayabang ang animal na hindi siya kayang kalawitin ng Erap boys sa Maynila dahil magkaibigan sina Mayor Erap at Mayor Tiangco.


Ikaw ba, MPD Director C/Supt. Rolando Asuncion, ay kabigayan, este, kaibigan din ni Ombeng?


VK SA TAGUIG


HALOS punuin naman ng 220 pirasong makina ng VK ni Boy Intsik ang lungsod ng Taguig.


At kaya pikit-mata ang COP dahil kausap na pala ni Boy Intsik ang kanyang bagman na si Jun Laurel.


Sa ngayon, parekoy, ay 2 linggo nang bukas ang nasabing mga makina dahil ang padrino ay R2 ng NCRPO!


The post NASINDAK SI PNP CHIEF ATNCRPO SWAL SA SUGAL appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NASINDAK SI PNP CHIEF ATNCRPO SWAL SA SUGAL


No comments:

Post a Comment