Tuesday, March 25, 2014

Tapyas bayad-buwis isinusulong

ISINUSULONG ngayon ng isang mambabatas na kaalyado ng administrasyong Aquino na tapyasan ng kalahating porsyento ang kasalukuyang tax rate na sinisingil na buwis ng gobyerno sa mga individual at korporasyon.


Layunin nito na makatugon ng 100 porsyento ang mamamayan at ang korporasyon sa pagbabayad ng buwis.


Nakapaloob sa House Bill 4099 ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo, na amyendahan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Code upang mabago ang kasalukuyang income tax system at mabawasan ang 32 porsyento na individual tax rate at 30 porsyento naman sa corporate income tax.


Sa ilalim ng panukala, kung ang sweldo ng isang indibidwal ay hindi tataas ng P30,000 ay exempted ito sa pagbabayad ng buwis habang ang mga sumusweldo ng mas mataas rito ay sisingilin ng buwis mula 5 porsyentong tax rate hanggang 30 porsyento depende sa laki ng suweldo at dami ng dependents.


Sa kasalukuyan, ang mga exempted lang sa pagbabayad ng buwis ay ang mga minimum wage earner.


Sa kanyang panukala, isinulong ni Gunigundo na mula naman sa dating 30 porsyentong tax rate para sa mga korporasyon ay ibaba ito sa 15 porsyento na lamang.


Taliwas sa maaaring ipangamba ng gobyerno na bababa ang kita nito kapag ibinaba ang sisingiling buwis, iginiit ni Gunigundo na mas marami ngayon ang mahihikayat na magbayad ng tax lalo na iyong mga nasa tinatawag na informal economy.


The post Tapyas bayad-buwis isinusulong appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tapyas bayad-buwis isinusulong


No comments:

Post a Comment