MARAMI sa mga opisyal ng pamahalaan ang puro papogi kasabay ng pagngawa na tumataas ang krimen dahil sa kahirapan pero wala naman silang ginagawang aksyon para bigyang solusyon ang matagal nang problema ng bayan.
Sa Maynila, sinisikap ni Manila Mayor Joseph Estrada na labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng pagbabago upang bigyang katuparan ang pangarap ng bawat Manileño na umangat at maayos ang kanilang buhay.
Pinagtutuunan ng pansin ng alkalde ang pagpapaluwag ng daloy ng trapiko, pagpapalakas ng puwersa para sa kaayusan at katahimikan, maayos na tirahan, kabuhayan at maayos na koleksyon ng buwis.
Pero ang ilang opisyal ng city hall (ang iba pa nga na wala namang direktang papel) at ilang barangay chairman ang sumisira ng tiwala ng mga mamamayan lalo na ng Manileño sa dating Pangulo.
Kasi naman, ayaw ni Mayor Erap na naaapi ang mahihirap tulad ng mga magtitinda na nagpapatulo ng pawis sa kalsada upang kumita ng kabuhayan sa malinis na paraan pero may mga taong ipinagpipilitan na malapit sila sa alkalde at ginagamit nilang susi para makapangotong sa mga mahihirap.
May ilang chairman na nagkukunwaring nililinis nila ang kanilang nasasakupan kaya nila pinalalayas ang mga nagtitinda sa bangketa pero ang totoo ay dahil nais nilang mangolekta ng “tong” at kapag hindi nagbigay ay pinalalayas nila at kapag hindi sumunod ay sinasaktan nila.
Kasabwat din ang ilang opisyal (chairman, kagawad at tanod) sa paglaganap ng sugal lalo na ng video karera at droga sa kanilang nasasakupan pero kung umasta, akala mo ay totoong concern sila sa kanilang mga mamamayan.
Pera lang pala ang habol. Bawi sa gastos noong eleksyon.
Meron din namang mga konsehal ng Maynila na nagpapanggap na mabuti silang opisyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga botante.
Pero ang tinutulungan nila ay pawang mga iligalista.
Hay naku, dapat tigilan na ng mga opisyal na ito ang pagngawa. Sa halip, tulungan nila ang alkalde at bise-alkalde sa adhikaing mapaunlad at maisaayos ang Maynila.
Gumawa kaya ng ang mga konsehal na puro porma pero wala namang kwenta na magbibigay ng konkretong solusyon sa kahirapan?
Talagang hindi mawawala ang krimen, sugal at ilan pang iligal na gawain kung patuloy na mamamayagpag ang kahirapan.
Congrats to my jewel Shaira Anne Pascual who graduated from her elementary level at Espiritu Santo in Tayuman. Nini, blow-out naman daw sabi ni Santi at Kuya Heinrich.
The post PURO NGAWA, KULANG SA GAWA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment