NAIS ma-confine si Ma’am Janet Napoles sa isang private hospital dahil masama na raw ang kanyang karamdaman, preferably, sa St. Luke’s Global.
Life-threatening na raw ang kanyang sakit, at for the first time ay umiyak siya sa harap ng hukuman at sa madlang naroon sa silid-litisan.
Parang napanood ko na ang katulad na kuwentong ito. Ang character ay si dating Pangulong Ate Glo Macapagal-Arroyo.
Ang sabi ng mga abogado at mga doktor ni Ate Glo, kailangan na siyang lumipad patungo sa ibang bansa, hindi lang isa o dalawa bagkus marami pang ibang bayan, dahil doon lamang siya magagamot.
Nagkaroon ng drama sa airport nang tangkain niyang sumakay ng eroplano.
Todo wheelchair at neck brace siyang nagtangkang umalis nguni’t napigilan siya ng immigration.
Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa si Ate Glo, kahit na siya ay inalis sa St. Luke’s at dinala sa Veterans’ Memorial Hospital, na pagmamay-ari ng gobyerno.
Hindi kaya isang replay ang ginagawa ni Ma’am Janet para makaalis sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna?
Maaaring totoo ang karamdaman ni Ma’am, pero iba naman ang sinasabi ng doktor sa Makati hospital na pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan.
Hindi raw life-threatening ang kaso ni ma’am.
Hindi ko naman pinapanalangin na hindi siya gumaling, pero lagi na lamang nagkakasakit ang mga akusado sa kasalanang pangungulimbat ng pera ng bayan.
May sakit din si Delfin Lee, ang super yaman na akusado rin ng pandarambong ng pera ng bayan at pera ng napakaraming indibidwal na naniniwala kay Ginoong Lee.
Ang hiling ko lang sana ay kasuhan na agad sa Ombudsman at sa Sandiganbayan ang mga may sala at kung mapatunayang may sala nga sila ay diretso na silang dalhin sa Muntinlupa, at hindi sa mga marangyang kulungan.
The post SI MA’AM JANET AT SI ATE GLO appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment