MARAMI ang natawa pero mas maraming nagtaas ng kilay sa balitang gustong gawing doktor si Vice Mayor Isko Moreno. Sa isang resolution sa Konseho, hinihiling na kilalaning doktor si Isko sa pagbibigay ng honorary doctorate ng Pamantasan ng Lungsod Maynila (PLM). Ang tanong: Sumang-ayon naman kaya rito ang PLM?
Hindi kaya parang nababoy niyan ang PLM? Kapag pinagbigyan iyan, maraming magiging instant doctor kahit hindi nagsunog ng kilay.
Mawawalan ng kredibilidad at mataas na pagkilala sa mga matatalino at may pinag-aralang tao kung puwede palang ibigay na lang ito at gawing “utang na loob” ang honor na iyan.
Gaguhan na ba sa Konseho? ‘Yun bang ‘pag nainis ka, talo ka? Wala na bang maisip ang mga konsehal na ito para sa totoong kapakanan ng kanilang constitiuents?
Hindi ba’t self-serving na sila mismo ang hihiling para kilalanin at gawaran ng mataas na pagkilala ang inyong bossing? Hindi na nahintay na kusang igawad ang pagkilala at parangal, ginawan pa talaga ng resolution! Ang matindi, parang hokus-pokus daw ‘yung resolution dahil una, absent ‘yung ibang councilor doon, at ‘yung naroon naman, hindi naman daw tinalakay at na-agenda ‘yung tungkol doon sa Resolution No. 69 na humihiling sa PLM para ibigay ang titulong ‘Doctorate” kay Isko. So, hokus-pokus na resolution? Puwede ba ang ganoon, Mayor Erap?
Sabi ni Councilor Ali Atienza at ng 6 na konsehal, nagulat sila kung bakit naisama ang kanilang pangalan sa hokus-pokus na resolution. Hindi raw magandang ehemplo para sa mga kabataan at mag-aaral ang ginawang ito ng kanilang mga kasamahang konsehal.
Ito raw ba ang ituturo sa mga kabataan ngayon? Kahit hindi na mag-aral, basta naging konsehal ka lang o vice mayor, e, puwede ka nang tawagin at maging ‘doktor?’
Sa criteria ng Doctorate, sabi ng ilang mataas na opisyal ng PLM, ang pinagkakalooban lang daw nito ay ‘yung mayroong college degree, masteral degree at outstanding qualifications. Tanong tuloy ni Konsehal Atienza, meron ba nito si Isko Moreno?
Ang alam daw niya, marami ngang mga nagawa si Isko gaya ng pagbebenta ng Century Park Hotel, pagpapabalik sa pinalalayas na oil depot, panghuhuli sa pedicab, traysikel, jeep, motor, bus at truck at pagtataas ng buwis.
Ito ba ang karapat-dapat bigyan ng Doctorate Degree?
The post DOKTOR ISKO? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment