Monday, March 3, 2014

PNR premiere trains, bumiyahe na ngayong araw

UPANG makatulong sa pagbabawas ng trapik, nagdagdag na ang Philippine National Railways (PNR) ng mga bibiyaheng tren.


Ngayong Lunes, nagsimula nang bumiyahe ang bagong premiere trains ng PNR na may rutang mula Tutuban, Maynila hanggang Sta. Rosa, Laguna.


Umalis sa Tutuban Station ang premiere train alas-5:47 ng umaga at alas-8:00 ng umaga naman ang unang biyahe mula Santa Rosa, Laguna.


Pero, mas mahal ang pamasahe sa premiere trains na mula P60 hanggang P90 kumpara sa P10 hanggang P25 na pasahe sa regular na tren dahil na rin sa mas komportable nitong bagon.


Air-conditioned ang loob ng mga bagong train, may reclining seat, may wi-fi at may palikuran.


Nagdagdag din ang PNR ng apat na biyahe sa rutang Tutuban-Alabang, at dalawa pang biyahe sa Tutuban-Sta. Rosa, pabalik at papunta.


Sa karaniwan nilang 70 biyahe araw-araw, may dinagdag na dalawa pang biyahe sa umaga at sa hapon.


The post PNR premiere trains, bumiyahe na ngayong araw appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PNR premiere trains, bumiyahe na ngayong araw


No comments:

Post a Comment