Monday, March 3, 2014

Kapitan at konsehal sa Surigao, patay sa pamamaril

NAGPAPATULOY ang imbestigasyon ng Madrid Municipal Police sa Surigao del Sur upang makilala at malaman ang motibo sa pamamaril hanggang sa mapatay sa isang barangay chairman at konsehal sa magkahiwalay na lugar sa nasabing lalawigan.


Kinilala ang unang biktima na si Ariel Buniel, 28, ng San Vicente, Madrid.


Sa imbestigasyon, may kumatok sa bahay ng biktima at nang buksan ay walang habas na pinagbabaril ito ng mga suspek gamit ang kalibre .45.


Mabilis ding tumakas ang mga salarin matapos ang insidente.


Narekober sa crime scene ang dalawang fired-jacketed lead ng apat na fired cartridges sa cal. 45 pistol.


Samantala, nagsasagawa naman ng hot pursuit operation ang awtoridad sa Cantilan Surigao del Sur matapos ang pamamaril sa isang barangay konsehal sa Brgy. Cabasan na si Rosebelt Ravelo, 32.


Nangyari ang insidente sa entrance ng basketball court ng Brgy. Social Hall, Purok 2 sa nasabing lugar.


Nakaupo lamang ang konsehal nang barilin ng hindi pa kilalang suspek na agad namang tumakas.


Natamaan ang kaliwang mata ni Ravelo na tumagos sa taenga na naging resulta ng agarang pagkamatay ng biktima.


The post Kapitan at konsehal sa Surigao, patay sa pamamaril appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kapitan at konsehal sa Surigao, patay sa pamamaril


No comments:

Post a Comment