Monday, March 3, 2014

Bahay ng negosyante pinasabugan sa Zambo

ISANG granada ang sumabog sa tahanan ng negosyante sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City, kagabi.


Batay sa ulat, ang insidente ay naganap alas-10:20 ng gabi, sa bahay ng isang Jul Lacbao sa Hawaii Drive.


Ayon kay Barangay Chairman Teodyver Arquiza, walang nakitang kahina-hinalang tao ang mga residente bago ang pagsabog.


Sa imbestigasyon ng bomb squad, ang nangyaring pagsabog, na isang MK-2 fragmentation grenades ang ginamit sa insidente.


Wala namang nasaktan sa aksidente.


Inaalam kung ang pagsabog ay may kinalaman sa politika o alitan sa negosyo.


The post Bahay ng negosyante pinasabugan sa Zambo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bahay ng negosyante pinasabugan sa Zambo


No comments:

Post a Comment