Wednesday, March 26, 2014

Pedicab driver binoga, todas

TODAS ang isang pedicab driver nang barilin ng ‘di nakilalang suspek habang nagtatawag ng kanyang pasahero sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.


Dead on the spot din ang biktimang si Dominique Magdula, ng 1700 Canal de Reina St., Tondo, Manila sanhi ng tama ng bala sa likod at likurang bahagi ng tenga.


Inilarawan ang suspek na may edad 14-16, may taas na 4’11, nakasuot ng itim na t-shirt at kulay brown na short pants at armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.


Sa report ni SPO3 Glen Vallejo ng MPD-Homicide division, alas-12:30 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa kanto ng Herbosa at Cabangis Sts., Tondo.


Nang matiyak na patay na ang biktima, agad tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril.


Atraso o dating alitan ang tinitigtang motibo sa pagpatay.


The post Pedicab driver binoga, todas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pedicab driver binoga, todas


No comments:

Post a Comment