Tuesday, March 25, 2014

Buenafe dinungisan ang San Mig

BINAON ni Ronjay Buenafe ang dalawang free throws upang dungisan ng Barako Bull Energy Drink ang San Mig Super Coffee Mixers, 92-90 sa nagaganap na PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum Martes kagabi.

Tabla ang iskor sa 90 ng ma foul ni Mixer guard PJ Simon si Buenafe may 7.2 segundo na lang sa oras.

Parehong sinalpak ni Buenafe ang dalawang libreng tira upang ilista ang 2-4 win-loss slate ng Energy Drink at malaglag naman sa pangatlong puwesto sa team standings ang San Mig tangan ang 3-1 record.

May pagkakataon sanang magkaroon ng extra period subalit sinablay ni Mixer point guard Mark Barroca ang kanyang tira na muntik ng pumasok.

Kumalabaw ng 32 points at 17 rebounds si Barako Bull import Joshua Dollard upang habulin ang 16 pts. na kalamangan ng Mixers sa pagbubukas ng payoff period.

Ayon kay Barako coach Bong Ramos kahit lumaki ang lamang ng San Mig Super Coffee sa third canto ay nanatili pa rin sila sa kanilang gameplan.

“Hindi kasi puwedeng puro one-on-one ang mga puntos ni Joshua (Dollard) kailangan talaga manggagaling sa play para hindi kami kapusin sa bandang huli…wika ni Barako guard Willie Miller.

Nagsumite si Miller ng 19 pts., 10 assists at limang rebounds habang nag-ambag ng 10 at pitong puntos sina JC Intal at Dave Marcelo ayon sa pgakakasunod.

Nanguna naman sa opensa ng Mixers si import James Mays na may 20 markers, 21 boards at apat na assists habang kumana sina Joe Devance at Simon ng 17 at 16 pts.

Bumakas din para sa Mixewrs sina two-time MVP James Yap at Philippine Cup Finals MVP Barroca ng 12 at 10 pts.


The post Buenafe dinungisan ang San Mig appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Buenafe dinungisan ang San Mig


No comments:

Post a Comment