Wednesday, March 26, 2014

CCTV footage nina Napoles at Rojas, inilabas

INILABAS na ng dalawang sinibak na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang CCTV footages sa umano’y opisyal ng ahensya na nakausap ni Janet Lim-Napoles.


Sa footage, nakitang kausap ni dating NBI director Nonnatus Rojas si Napoles ng halos tatlong oras.


Iprinisinta rin nina dating deputy director Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala kaugnay sa sinasabing pakikipagpulong ng ilang opisyal ng ahensya kay Napoles.


Base sa video, lumalabas ang nangyaring meeting nina Napoles at ni Rojas noong Mayo 23, 2013 sa pagitan ng alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-3:00 ng hapon.


Ang pagpapalabas ng nasabing video footages ay upang patunayan na hindi sina Esmeralda at Lasala ang nakausap ni Napoles na pinaniwalaang dahilan ng pagtanggal sa kanila sa pwesto at kawalan ng tiwala ni Justice Secretary Leila de Lima batay sa kanyang rekomendasyon kay PNoy.


Matatandaang inamin ni Rojas na nakausap niya si Napoles subalit bago ito, naglabas ng arrest warrant ang Makati City RTC para sa kasong illegal detention na una nang isinampa ni Benhur Luy na pangunahing testigo sa PDAF scam.


The post CCTV footage nina Napoles at Rojas, inilabas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



CCTV footage nina Napoles at Rojas, inilabas


No comments:

Post a Comment