NAIINTINDIHAN ng pamahalaan sakaling hindi makadalo si Malaysian Prime Minister Najib Razak sa isasagawang paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa Huwebes, Marso 27.
Ito ay sa harap ng krisis na kinakaharap ng Malaysia bunsod ng pagkawala ng Malaysian Airlines.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon hinggil sa pagdalo ng Malaysian Prime Minister.
Isa si Razak sa mga inaasahang panauhing pandangal dahil sa naging papel ng Malaysian government sa peacetalks dahilan para mabuo ang kasunduan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
The post Pamahalaan, ok lang kung ‘di makakadalo ang Malaysian Prime Minister appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment