HUMIHINGI ngayon ng katibayan ang China kaugnay sa naging pahayag ni Malaysia Prime Minister Najib Razak na bumagsak sa Indian Ocean ang Malaysian Airlines Flight MH703.
Ayon kay Chinese Deputy Foreign Minister Xie Hangsheng, kailangan nilang makita ang satellite-data analysis na nagsasaad nang konklusyon na bumagsak sa karagatan ang eroplano.
Una rito, inabisuhan ni Razak ang mga pamilya ng 239 pasahero at crew ng nawawalang Malaysian Airlines.
Sinabi ng Malaysian Prime Minister, base sa satellite analysis ng isang British satellite company, bumagsak ang eroplano sa Katimugang bahagi ng Indian Ocean o nasa Kanluran ng Perth, Australia.
Matatandaang Marso 8, naglaho ang eroplano na umalis sa Kuala Lumpur at papunta sana sa Beijing, China.
The post China, humihingi ng satellite-data analysis para sa bumagsak na Malaysian Airlines appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment