Wednesday, March 26, 2014

IKA-40 “RUBY ANIBERSARYO” NG NWRB

ang inyong lingkod hilda ong IPAGDIDIWANG bukas (March 28, 2014) ng mga kawani ng National Water Resources Board (NWRB) ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng NWRB na may temang “40 years of Unwavering Stewardship of Waters”. Gaganapin ang misa ng pasasalamat sa tanggapan ng NWRB na pinangunahan ni Executive Director Sevillo “Bill” D. David, Jr.


Pagdating ng gabi, may simpleng salo-salo at surprise programs mula sa mga kawani ng NWRB, ito ay gaganapin sa Quezon Hall, Quezon City Sports Club (QCSC), sa E. Rodriguez, Sr. Avenue, Quezon City.

-oOo-


LIBRENG SSS CITI VISA PREPAID CARD PARA SA LOAN BORROWERS


UPANG magamit ang mga serbisyong ng Social Security System (SSS), dapat munang mag-file ng salary loan application ang mga interesadong borrowers sa SSS-Diliman o SSS Makati-Buendia.


Pagkatapos maaprubahan ang nasabing loan, ang mga miyembro ay dapat magsumite ng SSS Citi Visa prepaid Card Application Form at isang kopya ng ID na ibinigay ng gobyerno sa mga tinalagang Citibank lane sa parehong sangay.


Ayon kay SSS Vice President and Officer-in-Charge of Lending and Asset Management Division May Catherine Ciriaco, “Direktang ibibigay ang card sa miyembro sa parehong araw, papasok ang hinihiram na loan sa kanilang card sa loob ng tatlo hanggang apat na araw.


Ang SSS Citi Visa prepaid Card ay ibibigay ng libre sa mga kasapi, habang P150 naman ang sisingilin bilang kapalit na bayad para sa mga nawala o nasirang cards.


Ang bisa ng nasabing card ay tatlong taon mula sa petsa ng pagpapalabas at reloadable, kaya ang mga kasapi na kukuha muli ng salary loans ay maaari pa ring gamitin ang parehong prepaid card, hanggang sa loob ng validity period.


Ang mga miyembro ay aabisuhan sa pamamagitan ng text message kung ang kanilang mga pautang ay nailagay na sa kanilang account. Tanging SSS lamang ang maaaring magdeposito ng mga pondo papunta sa prepaid card account.


The post IKA-40 “RUBY ANIBERSARYO” NG NWRB appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



IKA-40 “RUBY ANIBERSARYO” NG NWRB


No comments:

Post a Comment