KAILAN ba titigil ang mga miron na walang magawa kundi ang magbigay ng walang kuwentang opinyon at kuwento na ikinasisira ng pamunuan ng Maynila?
Hindi kailangang pakinggan ng isang mataas na opisyal ng lungsod ng Maynila ang mga ibinibigay na suhestyon at maling impormasyon ng kanyang mga alipores na sa totoo lang ay pawang nababahala na masibak ang kanilang mga alagang pulis na umano’y kakampi nila at handa silang ilaban nang patayan.
Pero ang totoo, pawang nagbibigay ng lingguhang proteksyon ang mga pulis na ito lalo na ang mga may ranggo upang huwag matanggal sa puwesto. Ito ang dahilan kung bakit nababahala ang mga ito na masibak ang kanilang mga alipores na pulis.
Sa pag-upo ng bagong district director na si Chief Supt. Rolando Asuncion, gumawa ng alingasngas ang ilang tauhan ng opisyal ng Manila City Hall upang magkaroon ng imbestigasyon laban sa mga opisyal ng Manila Police District.
Nag-boomerang sa mga opisyal ng City Hall ang ginawa nilang imbestigasyon dahil hindi naman sila pinanigan ni Manila Mayor Joseph Estrada sapagkat batid ng alkalde na ipinatabla ni Asuncion ang mga sugal sa kanyang nasasakupan.
Sa madaling salita, gusto ni Erap ang pagsunod ng bagong DD sa kanyang “no take policy” sa sugal at ilan pang iligal na gawain.
Nabuking pa na may mga koleksyon din mula sa mga iligalista itong may pakana ng imbestigasyon, este, ang mga alipores pala niya ang nagkakapera. FYI lang sa opisyal na ito.
Balita rin na ang isa sa mga opisyal ng city hall na tumutuligsa sa MPD sa sugal ay mismong may ipinapasok na bangka para sa sugal. Kaya naman pala, gusto ay sila lang ang masaya at managana.
May balita rin na tinanggalan na rin ng pakpak ng alkalde ang ilang opisyal na nabatid niyang pinagkakaperahan ang kanilang posisyon at madalas na ginagatasan ay mismong mga mahihirap.
o0o
CONGRATS to the 40 students of Ongchangco Review and Training Center who passed the embalmers licensure examination given by the Department of Health this March 2014.
ORTC is the best when it comes to embalming review and training. Ignacio Ajinto from ORTC topped the Oral/Practical exams given by the DOH-Committee of Examiners for Undertakers and Embalmers (CEUE) through examiners Francisco Ignacio, Ronald Talaboc and Let Teodoro, Jr. O, ‘yung mga gustong kumuha ng lisensya para sa embalming, ORTC ang irerekomenda ng inyong lingkod na nakapasa rin sa exams nitong 2014.
The post MGA MIRON ANG SUMISIRA SA MAYNILA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment