INAALAM pa ng awtoridad ang uri ng eksplosibo na ginamit ng mga suspek sa pagpapasabog kagabi sa lungsod ng Marikina na ikinasugat ng limang residente.
Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa Paraiso street, Brgy. Parang, Marikina City.
Sinasabing itinapon ng naka-motor na suspek ang pampasabog at ilang saglit lang ay yumanig na ang malakas na pagsambulat.
Inimbitahan na ng PNP ang mga taong nakakita sa pangyayari upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.
Ang limang nasugatan ay agad namang nadala sa ospital at nasa ligtas nang kalagayan.
Tumanggi muna ang PNP na ihayag ang kanilang mga anggulong sinusundan upang huwag maapektuhan ang imbestigasyon at pagtugis sa mga responsable sa krimen.
The post Marikina City niyanig ng pagsabog, 5 sugatan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment