WALANG bahid sa tatlong laro si Cherry Lyn Donguines sa girls’ under-15 sapat upang masolo ang liderato matapos ang three rounds ng 2014 National Youth Chess Championships – 2nd Elimination Leg na ginaganap sa Philippine Sports Commission (PSC) Athletes Dinig Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila, kagabi.
Magkasalo naman sa tops spot sina John Merill Jacutina at Haince Patrick de Leon na may tig tatlong puntos sa boys’ 15-below.
Pinagpag ng tatlo ang mga nakatunggali sa kanilang kategorya sa 89 na kabataang kalahok sa tatlong araw na pigaan ng utak na binuksan noong Biyernes (Pebrero 28).
Sa girls U-11, may tig 2.5 puntos sina Princess Louise Oncita at Darlyn Villanueva mula sa tigalawang panalo at isang tabla upang magsalo sa unahan habang nag-aagawan sa unahan sa boys U11 ang tatlong sina Daniel Cuizon, Justine Diego Mordido at Michael Concio, Jr.
Ayon kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Grandmaster Jayson Gonzales, ang kumpetisyon ay isa sa basehan sa paghahagilap ng pederasyon ng mga potensyal na woodpushers para sa ilang mga mahahalagang torneo sa abroad sa taong ito.
“Maraming magagaling na bata na dapat ay mabigyan ng atensyon upang madagdagan ang mga grandmasters natin at magkaroon din sa babae.” saad ni chess olympiad veteran Gonzales. ELECH DAWA
The post Donguines ganado sa Girls U-15 appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment