Saturday, March 1, 2014

Wanted sa kasong murder tiklo sa Munti

TIKLO ang isang wanted person sa kasong pagpatay sa Muntinlupa City habang nagtatrabaho sa isang hacienda sa Cadiz, Negros Occidental.


Inaresto si Jovil Delco, alyas Dodong, 35, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na in-issue ni Hon. Judge Antonietta Pablo-Medina ng Muntinlupa City RTC Branch 276 na napetsahang Hunyo 2, 2010.


Naabutan ng operatiba ng Cadiz City PNP si Delco habang nagtatrabaho sa Hacienda San Ramon, Brgy. Luna, nasabing lungsod.


Inilipad na papuntang Muntinlupa City si Delco kung saan nito haharapin ang nasabing kaso.


The post Wanted sa kasong murder tiklo sa Munti appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Wanted sa kasong murder tiklo sa Munti


No comments:

Post a Comment