MAKARARANAS pa rin ng mahihinang ulan ang Cagayan Valley at Eastern Visayas
Bagama’t nalusaw na ang low pressure area (LPA) na dating naging tropical depression Caloy.
Ayon kay PAGASA forecaster Buddy Javier, ang nagsasalubong na hanging amihan at easterlies ang naghahatid ngayon ng kaulapan at paminsan-minsang pag-ulan sa Luzon at Visayas ngunit wala na ang konsentrasyon ng LPA.
Posible pa ring makaranas ng thunderstorm ang ibang bahagi ng ating bansa.
Ang Metro Manila naman ay magiging maulap ngunit maliit ang tyansa ng pag-ulan ngayong maghapon.
Maliban sa mga ito, wala na umanong iba pang namumuong sama ng panahon sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
The post ‘LPA, nalusaw na’ — PAGASA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment