Tuesday, March 25, 2014

Malaysian plane, kinuwestyon ng mga kaanak ng biktima

SA kabila ng paghayag ni Malaysian Prime Minister Najib Razak na sa Indian Ocean bumagsak ang Malaysian Airlines Flight MH370, hindi pa rin umano nakokontento ang mga kaanak ng 239 pasahero at crew nito.


Napag-alaman na ipinarating ang impormasyon sa mga kaanak ng pasaherong lulan ng nawalang eroplano sa pamamagitan ng pagtawag at pag-text sa mga ito, bago pa man magsagawa ng briefing sa Beijing at news conference sa Kuala Lumpur.


Ayon sa isang kaanak, inabisuhan sila ng pamunuan ng Malaysian Airlines na walang nakaligtas sa insidente, bagay na ikinagalit at kinuwestyon ng mga ito.


“You announce this information today. Is it really confirmed? What’s your proof? We’ve been waiting for 17 days. You simply tell us this! Where is the proof? It’s wrong to announce the information like this!” pasigaw na pahayag ng isang kapamilya ng missing plane passenger.


Narito naman ang announcement ni PM Razak: “The firms have concluded that MH370 flew along the southern corridor, and that its last position was in the middle of the Indian Ocean, west of Perth. This is a remote location, far from any possible landing sites. It is therefore with deep sadness and regret that I must inform you that, according to this new data, flight MH370 ended in the southern Indian Ocean.”


March 8 nitong taon nang mawala ang Flight 370, matapos sinadyang pinatay ang communication system at dinivert ang eroplano, higit isang oras matapos mag-take off mula sa Kuala Lumpur, Malaysia.


Nabatid na 14 na nationalities ang lulan ng nawawalang eroplano at pinakamarami rito ang taga-China na mayroong 152 at isang sanggol. Taga-Malaysia naman ang 38 sa mga ito, 12 sa Indonesia, pito sa Australia, tatlo sa France, apat na Americans kabilang ang isang sanggol; tig-dalawa sa New Zealand, Ukraine at Canada; tig-isa mula sa Russia, Italy, Taiwan, Netherlands at Austria.


Umabot sa 25 bansa ang tumulong sa search operation kabilang ang Pilipinas.


The post Malaysian plane, kinuwestyon ng mga kaanak ng biktima appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Malaysian plane, kinuwestyon ng mga kaanak ng biktima


No comments:

Post a Comment