MAGSASAMPA ng kaso ngayon ang kampo ni Communist Party of the Philippines (CPP) leader Benito Tiamzon laban sa mga arresting officers na umaresto sa kanya, kasama ang kanyang misis at limang iba pa.
Ayon kay Atty. Edre Olalia, iginiit nito na maituturing umanong “continuing violations” sa karapatan ng kanyang kliyente ang patuloy na pagkakakulong nito sa Camp Crame.
Hayagan ding inakusahan ni Olalia ang mga awtoridad sa pagtatanim ng mga ebidensya para mapanindigan ang nangyaring pag-aresto.
Kabilang dito ang isinampang kasong illegal possession of firearms and ammunitions, gayong wala namang nakuhang mga baril sa mag-asawa.
Iginiit ni Olalia na hindi nila kinikilala ang hurisdiksyon ng Department of Justice (DOJ) sa paghawak sa kaso kaya hindi sila lalahok sa anomang mga proceedings.
Kahapon, mistulang nag-walkout ang depensa sa isinagawang inquest proceedings kay Tiamzon.
The post CPP leader Tiamzon, kakasuhan ang mga arresting officers appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment