PATAY ang magkakapatid na paslit matapos masunog sa loob mismo ng bahay sa San Gabriel, La Union.
Kinilala ang mga biktima na sina Mae Joy Gacayan, 7; Sheena, 5 at Meynard Carl, 3.
Patay ang magkakapatid matapos matupok ang kanilang bahay sa Barangay Polipol, San Gabriel pasado alas-7:00 Linggo ng gabi.
Ligtas naman ang panganay na si John Mark, 10.
Ayon sa ama ng mga biktima na si Mark Gacayan, nagawa pang makalabas ng bahay ni John Mark para humingi ng saklolo pero huli na ang lahat.
Nasa bukid naman ang mga magulang ng mga bata nang sumiklab ang sunog.
Iniwan nila ang mga anak bandang alas-3:00 ng hapon para tingnan ang mga pananim.
Mabilis na kumalat ang apoy dahilan kung bakit hindi na rin ito naagapan.
Malayo sa sa mga kabahayan ang tirahan ng pamilya Gacayan.
Napag-alaman ng awtoridad na pitong taon nang walang kuryente ang kanilang bahay kaya posible na ang lamparang kanilang ginagamit ang sanhi ng sunog.
The post Magkakapatid na paslit, patay sa sunog sa La Union appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment