Thursday, March 27, 2014

IMBESTIGASYON SA PORK BARREL MADALIIN

johnny_magalona103 BIGYAN natin ng daan na mailathala sa espasyong ito ang isa pang suhestyon ng mga Davaoeño sa Bureau of Internal Revenue na pabilisin sa Department of Justice ang gagawing imbestigasyon sa “Pork Barrel Scam.”


Basahin natin ang text message ng taga-Davao.


Good am, Sir Johnny. Dapat ang gawin ng BIR ay pabilisin sa DoJ ang imbestigasyon sa ‘Pork Barrel’ para makita ng madlang pipol na maaresto at makulong ang mga ganid, swapang at kampon ni Satanas na mga politiko na sangkot sa scam.


Sa gayon ay ganahan kaming mga nagbabayad ng buwis at makakaasa naman ang BIR na hindi na kami magrereklamo.


Sana totohanin nila ang paghabol sa mga tagong yaman at ari-arian ng mga magnanakaw para makuha nila ang pinaka-qouta na ibingay sa kanila ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III.


Hindi ‘yung pinakamaliit na street food vendor ang kanilang pagbubuwisan pa. Habulin ang lahat ng mga Tsino at negosyanteng tax violator gaya nina Lucio Tan, Henry Sy at iba pa. From Davao City.


Please dont publish my number.


UNTOUCHABLE PA RIN ANG BOOKIES KINA MAYOR


PATULOY pa rin ang untouchable na operasyon ng bookies ng STL ng dating mayor ng Bay na si Edwin Ramos alyas ER sa mga bayan ng Bay at Los Baños, Laguna.


Ang balita natin ay tiyuhin ni Edwin Ramos si Bay Mayor “Barako” Bunoy Ramos kaya pala hanggang ngayon ay patuloy na namamayagpag ang bookies nito sa nasabing bayan.


Samantala, ito namang si Los Baños Mayor Ceasar Perez ay matalik naman na kaibigan ni Edwin Ramos kaya walang sinomang kapulisan ang nangangahas na manghuli sa bookies nito sa Los Baños.


Ewan ko lang dito kay Laguna Provincial Director Supt. Romeo Sapitula kung alam niya na ipinangongolekta siya ng kanyang tong-collector/bagman na si Vic Barrion sa bookies ni Edwin Ramos.


Ang bulong-bulungan kasi sa Laguna ay ipinamamalita raw ni Barrion na siya ang collector ni colonel.


The post IMBESTIGASYON SA PORK BARREL MADALIIN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



IMBESTIGASYON SA PORK BARREL MADALIIN


No comments:

Post a Comment