MUKHANG nalulusutan na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng mga kumag ng lipunan. Ito ang konklusyon ngayon ng nakararaming mamamayan hindi lamang sa Davao City kundi sa buong bansa dahil sa pagkakakumpiska ng sangkatutak na cocaine sa kanyang nasasakupan na isang sampal at pagpapahiya sa kanyang pagkatao bilang isang mahusay na lider ng lipunan.
Maging ang pagkawala ng 16 bundles pang cocaine ay isa nang malinaw na manipestasyon ng kawalang takot ng mga kriminal kay Duterte na kilalang kilabot ng mga masasamang loob sa bansa.
Marami tuloy ang napaiisip na posibleng may kamay na rito ang maruming pulitika dahil isa si Mayor Duterte na kinokonsiderang malakas na lumaban sa 2016 presidential dearby.
Sa maikling salita, demolition job na ito kay Duterte at dito dapat siyang maging mapagmanman lalo’t higit ang kanyang mga tauhan dahil mukhang nagsisimula na ang maruming laban na siyang gigiba sa pangalan ng naturang alkalde.
Mabigat sa una ang laban ni Duterte dahil hindi niya kapado at kilala ang mga nambuburaot sa kanya pero dahil nariyan sa kanyang panig si retired General Frank Villaroman, na isang bihasa sa intelligence work, kaya’t pasasaan ba’t makikilala rin nila ang mga hinayupak na naghahasik ng lagim sa Davao at sumisira sa mabuting pangalan ng mayor.
Hindi biro ang P300 milyong cocaine para madiskubre sa Davao kaya’t ang paglalakas-loob pa lamang ng mga drug syndicate na ibagsak ito sa lugar ni Duterte ay isang patunay na sinusubok na nila ang kakayahan ng alkalde.
Antay-antay lang tayo ‘pag may time pero tiyak kong ang pagkakatuklas ng cocaine sa balwarte ng mga Duterte ay simula na para pabagsakin at sirain ang pangalan nito sa bansa dahil isa siyang matibay na contender sa 2016.
o0o
MUKHANG nag-ceasefire na ang kampo nina Manila Mayor Erap Estrada at VP Jojo Binay. Siguro ay napag-isip-isip din ng dalawang panig na wala silang panalo kapag ipinagpatuloy nila ang kanilang iringan dahil administrasyon lang ang makikinabang.
Dapat ganyan ang mga taktika ng mga politiko sa bansa dahil ang 2016 ay medyo malayo pa kaya’t hinay-hinay lang dapat ang laban.
The post DUTERTE SINISIMULAN NA? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment