HINDI pa man umiinit sa upuan ang wetpaks ni Masbate PNP Provincial Director S/Supt. Jacinto Culver Nasol Sison ay nanganganib na mapaaga ang paglayas nito sa posisyon.
‘Yan, parekoy, ay kung talagang ipatutupad ni Region 5 Regional Director C/Supt. Victor Pelota Deona ang “one strike policy” ng PNP kontra sa iligal na sugal.
Hindi kasi maitatanggi na sa ngayon ay talamak ang iligal na sugal sa lalawigan kong mahal.
Op kurs, sa pagkakamal ng pera ng mga gambling lord ay pinaniniwalaang namamantikaan hindi lang ang nguso ng mga COP.
Higit sa lahat, ang tagatanggap, este, tanggapan ni S/Supt. Jacinto Culver Nasol Sison.
Paano ba maitatanggi ni Col. Sison ang lotteng operations sa Masbate gayong namamayagpag ang sugal nina Babyboy Tan, Perla Manlapaz at Benjie Lim sa Masbate City, Milagros, Balud, Mandaon, Aroroy, Baleno at Mobo.
Kung patong nga si Col. Sison o sadyang binubulag lang ng kanyang mga tauhan ay malalaman natin kung paiimbestigahan ito ni RD Deona! Abangan!
-o0o-
SA iba’t ibang bahagi ng bansa ay napakaraming piskal ang nababayaran para i-fix ang kasong hawak. ‘Yan ay dahil sa napakalaking papel na hawak ng Prosecutor’s office sa ating Criminal Justice System.
Ika nga, kahit may kasalanan ang akusado ay “dismissed” ang kaso kapag sinabi ng Fixcal na walang probable cause.
Pero ang mga dugyot ay tiyak na diretso sa korte. Dahil walang pang-areglo sa Fixcal!
Hindi lamang sa Masbate nagaganap, parekoy, ang bentahan ng kaso . . . talamak din ito kahit saang panig ng bansa!
Dahil hindi lang sa ibang bahagi ng bansa may mga Fixcal na matindi kung mangotong . . . marami ring ganyan sa Masbate!
Sa ngayon ay ating sinusubaybayan ang kaso ng isang adik na Brgy. Captain na walang habas na nanakit ng isang babae.
Ang katwiran kasi ng jiho de-puta, kayang bayaran ng kanyang kayamanan maging ang mga Piskal. Tangna, nanganganib kung ganun na maligwak ang kasong isinampa kay kapitan.
Lalo na’t ngayon pa lang ay may mga indikasyon na kung paano gumalaw ang pera ng animal!
Hehehe, sige lang, pag-igihan talaga ninyo ang sabwatan, malay natin kung magsasama-sama rin kayo sa Ombudsman! Hak, hak, hak!
Sa buhay natin, parekoy, ay nagkaroon na rin tayo ng maraming Piskal na kaibigan.
May pagkakataon pa nga na “nakatulong” tayo kahit paano sa pagkaluklok ng isang Provincial Prosecutor!
‘Yun nga lang, mula nang maging Piskal ito ay “can not be reached na!”
Pumarehas ka lang po!
The post ANG MGA ‘FIXCAL’ AT LOTTENG SA MASBATE appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment