Wednesday, March 26, 2014

Angel Locsin, ‘di tuloy ang pagpapakasal kay Luis!

BEFORE jumping into a conclusion, isipin muna natin kung bakit may balitang baka hindi matutuloy ang plano ni Luis Manzano na pakakasalan si Angel Locsin ngayong taon at ang latest nga, may balak bumalik ang aktres sa iskul at magtapos ng pag-aaral. If this will happen, the actor has to wait for four years dahil isang four-year course ang kukunin ni Angel at ito ang BS History sa kanyang alma mater UST kung saan nito natapos ang kanyang secondary course.


Ito ngayon ang tanong ng madlang pipol, bakit biglang naisipan ng aktres na bumalik sa pag-aaral sa gitna ng mainit na balitang pakakasalan siya ni Luis Manzano bago ito papasok sa politika?


Lately ay very open ang aktor sa mga interview saying kulang na lang ay engagement sa kanila ni Angel at marriage proposal dahil sa parte nito, handang-handa na siya. As in, naghihintay na lang siya ng go-signal mula sa aktres.


Nag-iisip ngayon ang madlang pipol na posibleng natatabangan ang aktres sa planong pagpapakasal sa kanya ng aktor at paraan lang niya ang balik-iskul para mapag-isipang mabuti kung tama ang gagawing pagpapakasal at the height of her career. Mahirap naman paniwalaan na ayaw nitong magamit sa pagpu-politika ng aktor dahil alam naman natin na tiyak ang pagsuporta nito at kahit kaninoman pero ‘yung magiging Mrs. Manzano ay parang hindi pa napapanahon being the bread winner of her family. Puwede ring isipin na nahihiya siyang magiging kargo ng aktor ang kanyang pamilya kapag magdyowa na sila.


Ayon sa binata ni Ate Vi, puwede pa ring mag-artista si Angel kahit kasal na sila at kung gusto na nitong maging plain wife ay handa nitong buhayin na parang prinsesa. Concern ang aktor dahil mula nang pumasok sa showbiz ang aktres ay wala na itong pahinga sa pagtatrabaho at kung may lalampas pa sa 24/7 ay tiyak magtatrabaho pa rin ito para mabigyan ng magadang buhay ang pamilya nito. Hence, kapag magiging Manzano na ang aktres, promise ng aktor, she will have the rest she needed most.


Saludo kami kay Angel sa puntong ito pero sana, sila pa rin ni Luis kapag nakapagtapos na ito at nandoon pa rin yung planong pagpapakasal. Alam naman natin sa showbiz, madali ang mag-’change of mind’ at ‘change of heart.’ On a second time around ang dalawa at bago sila nagkarelasyon noon ay may mga nakarelasyon na ang bawat isa at sa kanilang pagbabalikan ay kagagaling lamang nila sa ‘hiwalayan’ blues sa kanilang kani-kanilang nakarelasyon.


Puwede rin isipin na dahil ang pag-aasawa ay hindi larong bata na anytime kung ayaw mo na sa isang laruan ay itatapon mo na lang, baka nagtanong-tanong si Angel sa mga ex ng aktor at dito niya ibinase ang kanyang desisyong magbalik-iskul muna bago magpakasal.


O baka naman, naapektuhan si Angel sa biro ng aktor nang mag-guest sa Aquino-Abunda Tonight na sa isang adoration chapel niya papakasalan ito kaysa sa isang cathedral para maka-menus sa gastos.


Ang tsika ng aktor, nalula siya sa kamahalan ng presyo ng isang wedding ring na puno ng brilyantitos kaya para makabawi ay sa isang chapel niya ito pakakasalan. But in defense, agad nasabi ni Luis na wherever the wedding will be held, ang importante nandoon pa rin ang love na aprub naman kay Kris Aquino na kanyang magiging ninang sa kasal nila ni Angel.


The post Angel Locsin, ‘di tuloy ang pagpapakasal kay Luis! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Angel Locsin, ‘di tuloy ang pagpapakasal kay Luis!


No comments:

Post a Comment