HANDA raw talikuran ng actress na si Camille Prats ang buhay showbiz niya kung sakaling dumating na yayain daw siya ng kanyang US-based boyfriend na si Vj Yamabao na manirahan na sa America!
“Actually, nandun na kami sa stage na napag-uusapan na namin pero siyempre as much as posible mas maganda na kung ano yung dumating dun na lang siguro ako,” bungad ng actress.
Sa panibagong pag-ibig ng actress, paano ito natanggap ng kanyang pamilya especially ng kanyang anak?
“Sobrang blessed ako kasi itong pamilya ko grabe ang suporta sa akin at pagmamahal, wala na yata akong hihiligin pa most especially sa parents ko! Sa anak ko naman, sobrang close sila ni Vj most of the time magkakasama kaming tatlo together so wala naman akong nakikitang problema sa dalawa,” sabi pa niya.
000
SA pagtatapos ng teleseryeng Got to Believe, marami ang naghihintay kung magkakaroon ng kissing scene sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ngunit ayon sa director ng show, too young pa raw ang dalawa to make a kissing scene ganun din sa management & most especially sa both parents nina Kathryn at Daniel.
Ngunit ganun pa man, kahit wala ang nasabing kissing scene ng dalawa tulad ng inaasahan nang marami, abangan daw ang final episode ng Got to Believe dahil tiyak na marami raw ang kikiligin sa tambalan ng dalawa.
Marami pa raw ang pasabog na mga kilig moments ang hihintayin sa dalawa.
000
MAS piniling mag-renew ng contract ng actor na si Dennis Trillo under Kapuso network GMA7 kahit daw may maganda ang offer sa kanya ng ABS-CBN.
“Yes, may magandang offer po ako sa kabilang network (ABS-CBN) pero mas pinili ko muna manatili rito bilang Kapuso star uli kasi napamahal na ako rito sa mga nakatrabaho ko, sa management po na inalagaan ang career ko, never akong pinabayaan,” sabi pa niya.
Ano ang aabangan na bagong proyekto niya sa Kapuso network.?
“Marami ang naka line-up sa akin ngayong magagandang project kaya dapat abangan nila yan!”
Kung sakaling pagsamahin uli sila ng dating ex-girffriend niya na si Jennylyn Mercado, papayag ba siya?
“Sa akin, walang problema yun trabaho yan e. Ako kasi walang problema sa akin kahit sino ipareha sa akin as long na maganda ang proyekto, ” dugtong pa niya.
The post Handang talikuran ang career kapalit ng pag-ibig… appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment