HINDI pinaiskor ng Far Eastern University Baby Tamaraws ang Ateneo Blue Eaglets, 2-0 upang manatili sa kanila ang UAAP juniors football crown noong Sabado sa FEU-Diliman pitch.
Binokya ng Baby Tams ang Season 76 best-of-three championship series, 2-0 kung saan si Janryl Balanueco ang tinanghal na MVP.
Ang panalo ng FEU sa high school division ang kumumpleto sa league’s first-ever golden treble sa football.
Nakaraang Linggo, sinuwag ng Tamaraws ang University of the Philippines upang manatili rin sa kanila ang titulo sa men’s habang ang women’s squad ay nagtamasa ng back-to-back title sa pagtugis sa University of Santo Tomas.
Nakopo ni Baby Tamaraw Earl Laguerta Rookie of the Year honors habang teammates na sina Gilbert Mendoza at Dominique Canonigo ay nakopo ang Best Striker at Best Midfielder plums ayon sa pagkakasunod.
Si Zach Banzon ng Blue Eaglets ay dinagit ang Best Goalkeeper award habang ang teammate na si Timothy Perdegon ay tinanghal na Best Defender.
Muntik makuha ng FEU ang perfect campaign sa eliminations kung saan nanalo ang unang limang laro nila bago ang 2-2 draw kontra Ateneo upang mapuwersa sa best-of-three title series.
Pinagpag ng Baby Tamaraws ang Eaglets, 4-1, sa championship opener.
The post Batang Tams sinuwag ang Blue Eaglets sa Football appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment