Friday, March 28, 2014

DoJ Secretary De Lima ipinasisibak

SINIMULAN nang kumilos ang ilang grupo upang maalis sa pwesto si Justice Secretary Leila de Lima.


Isang online petition na nananawagan ng pagsibak sa pwesto de Lima ang sinimulan ng isang anti-corruption group.


Ang petisyon ay pinangunahan ng grupong Stop Corruption Philippines o SCP kung saan nanawagan din sila kay Pangulong Noynoy Aquino na ibalik sa pwesto ang dalawang sinibak na NBI Deputy Directors na sina Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala.


Sa isang pahayag, mariing kinundena ng grupo ang pagkakasangkot ng dating asawa ni De Lima na si Atty. Plaridel Bohol kay Janet Lim Napoles.


Naniniwala ang SCP na si de Lima ay morally liable o dapat managot dahil hinayaan nitong makipag-kita ang kanyang asawa kay Napoles.


Pero sa isang pahayag kahapon ay itinanggi ni Atty. Bohol na sinamahan niya si Napoles kay Dating NBI Director Nonnatus Rojas nuong Mayo ng nakaraang taon.


Ayon kay Bohol, nagtungo siya sa NBI para lamang batiin si Rojas na nagdiwang ng kaarawan.


Nanananghalian umano sila ni Rojas nang dumating si Napoles kasama si Atty. Freddie Villamor.


Iginiit naman ni SCP Chairman Rick Fulgencio na ang paratang ni De Lima laban kina Esmeralda at Lasala na sila ang nag-tip kay Napoles para hindi siya maaresto ay walang batayan at malisyoso.


Maging si De Lima ay kumbinsido rin umano na walang matibay na ebidensya laban sa dalawa kaya lumilitaw na tsismis lamang ang batayan sa pagkakasibak sa dalawang NBI Deputy Directors.


The post DoJ Secretary De Lima ipinasisibak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DoJ Secretary De Lima ipinasisibak


No comments:

Post a Comment