Friday, March 28, 2014

Barbosa kuminang sa India

PARA masiguro na maiuuwi ni Pinoy GM Oliver Barbosa ang titulo sa katatapos na 19th International Open Grandmaster Chess Tournament 2014 sa India ay nakipaghatian ito ng puntos.


Nag kaayos sina No. 11 seed Barbosa (elo 2564) at GM Ziaur Rahman (elo 2486) ng Bangladesh na itabla ang kanilang laro sa 10th at finals round.

Naitala ni 27-year old Barbosa ang 7.5 points kapareho nito si GM Lalith Babu (elo 2585) ng India subalit tinanghal na kampeon ang Pinoy matapos ipatupad ang tie break points sa event na may 10 rounds swiss system.

“Mabuti na lang at nanalo si Lalith kaya siya ang naka tie ko sa puntos, kasi kung si Vidit (Gujrathi Santosh) ang nanalo eh second place lang ako.” ani Barbosa na naglaro sa World Chess Cup nakaraang taon.

Ginalo ni Lalith si GM Vidit (elo 2602) sa last round.

Sa 10th round may 6.5 points lang si Lalith habang 7 pts. si Vidit, kung sakaling nauwi sa draw ang kanilang laban ay malamang na second place si Barbosa.

“Sana magtuloy-tuloy pa sa susunod na tournament na sasalihan ko para maabot ko ulit ‘yung 2600 plus na rating sa taong ito.” sabi ni Barbosa.

Lumanding sa fouth spot si Vidit habang nasa pang limang puwesto si Rahman.

May nilista rin na pitong puntos sina Indian GMs Abhijit Kunte (elo 2439) at B. Adhiban para pumuwesto sa third at sixth place ayon sa pagkakasunod.

Samantala, ang top seed at second seed na sina super GMs Nigel Short (elo 2674) ng England at Sergey Fedorchuk (elo 2647) ng Ukraine ay nakapagtala lang ng tig 6.5 pts.

Sa huling apat na laro ni Barbosa, tatlong sunod na super GMs ang nakalaban niya dalawa dito ay tinalo nya at isa ay tabla.

“Napagod ako sa 3 super GMs na nakalaban ako mabuti na lang at hindi ako kinapos sa last round,” ani Barbosa.

Tumaas ang live rating ni Barbosa sa 2579 kaya naman ilang puntos na lang ay maaabot na niya muli ang 2600 na elo rating.


The post Barbosa kuminang sa India appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Barbosa kuminang sa India


No comments:

Post a Comment