Tuesday, March 25, 2014

Check-up sa mga ospital, libre na

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Health (DoH) na libre na ang check-up para sa halos 15 milyong mahihirap na Pilipino upang matiyak ang maayos nilang kalusugan.


Sa pamamagitan ito ng TSEKAP o Tamang Serbisyo Para sa Kalusugan ng Pamilya na inilunsad ngayon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


Kabilang sa mga serbisyong puwedeng makuha sa ilalim ng TSEKAP ang blood pressure monitoring, cervical at breast cancer screening, digital rectal exam, breast feeding counseling at iba pa.


Sakaling irekomenda ng doctor, libre ring makakukuha ang mga mahihirap na Pinoy ng diagnostic tests tulad ng complete blood count, urinalysis, fecalysis, sputum microscopy, fasting blood sugar, lipid profile at chest x-rays.


Ayon kay PhilHealth President Alex Padilla, kasama sa serbisyo ng TSEKAP ang libreng gamot para sa asthma, acute gastroenteritis, low-risk pneumonia at urinary tract infection (UTI).


The post Check-up sa mga ospital, libre na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Check-up sa mga ospital, libre na


No comments:

Post a Comment