Tuesday, March 25, 2014

Pag-aresto sa mag-asawang Tiamzon, pananabotahe sa peace talk

NANINIWALA ang ilang mambabatas na isang uri ng pananabotahe sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunistang grupo ang ginawang pag-aresto sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.


Batay sa pahayag nina Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares at Carlos Zarate, ginigipit at kinakasuhan ng pamahalaan ang sinomang mga negosyador sa panig ng mga rebelde tulad ng ginawa sa mag-asawa.


Dahil dito, nangangamba ang dalawang mambabatas na hindi na matuloy pa ang nakabinbin na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF.


Ito ay kung patuloy ang gagawing pag-aresto ng puwersa ng pamahalaan sa mga negosyador at konsultant sa panig ng mga rebeldeng komunista.


The post Pag-aresto sa mag-asawang Tiamzon, pananabotahe sa peace talk appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pag-aresto sa mag-asawang Tiamzon, pananabotahe sa peace talk


No comments:

Post a Comment