Tuesday, March 25, 2014

3 gabinete, pinagpapaliwanag ng Pangulo

MAHIGPIT na pinagpapaliwanag ni Pangulong Noynoy Aquino ang tatlong miyembro ng gabinete nito kaugnay sa nabunyag na pagpaparaan ng pondo ng Office of the President sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).


Kabilang sa mga pinagpapaliwanag sina Executive Secretary Pacquito Jojo Ochoa, Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras at Budget Secretary Florencio Butch Abad.


Ayon sa Pangulo, nais niya ang tama at kumpletong report mula sa mga inatasang miyembro ng gabinete para malinawanaggan kung ano ang katotohanan sa inilabas na report ng Commission on Audit (COA).


Nilinaw niya ayon sa COA ang inilabas na 2012 COA report at nais ng Pangulo na malaman ang puno’t dulo nito, kanino napunta ang pondo at kung bakit naidaan ito sa NCMF.


Mayroong tinatawag na observation audit medium at anomang kuwestyon sa audit report ay tutugunan ng mga ahensya ng gobyernong nasasangkot dito.


The post 3 gabinete, pinagpapaliwanag ng Pangulo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 gabinete, pinagpapaliwanag ng Pangulo


No comments:

Post a Comment