Monday, March 3, 2014

ChaCha pasado na sa komite ng Kamara

GAYA ng inaasahan, ipinasa na kaninang hapon sa komite ang House Resolution No. 1 ni House Speaker Feliciano Belmonte na nagsusulong ng pagpapalit ng economic provisions sa Saligang Batas.


Sa ginawang botohan ngayong hapon sa ika-apat na araw ng pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments ay 24 ang pumabor, dalawa ang tutol at isa ang nag-abstain.


Tumutol sina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Isagani Zarate samantalang nag-abstain naman si Pampanga Rep. Oscar Rodriguez, chairman ng House Committee on House Committee on Good Government.


Dumalo sa pagdinig si House Majority Floorleader Neptali Gonzales kung saan bago ang botohan ay inisa-isa na ng mga kongresista ang paghimay sa mga probisyong pang-ekonomiya ng Saligang Batas na isinusulong na maamiyendahan.


Naunang nagpahiwatig si Colmenares na ang presensya ni Gonzales sa hearing ay nangangahulugan na ipinamamadali na ang ChaCha resolution at kailangan na itong pagbotohan.


Mariin naman itong pinabulaanan ni Gonzales kasabay ang paliwanag na gusto lamang niyang malaman at makita ang debate ng mga kongresista sa substantial issues ng ChaCha.


Muling iginiit ni Colmenares na kunsultahin muna ng Kamara ang publiko bago ituloy ang pag-amiyenda sa konstitusyon.


The post ChaCha pasado na sa komite ng Kamara appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ChaCha pasado na sa komite ng Kamara


No comments:

Post a Comment