Monday, March 3, 2014

Mar-Kris sa 2016 election dedma sa M’cañang

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Malakanyang ang paglutang ng tambalang Mar Roxas-Kris Aquino para sa 2016 election.


Ang katwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, nakatutok ang gobyernong Aquino sa pamamalakad sa bansa at hindi sa anumang usapin na may kinalaman sa halalan.


“We are in the midst of governance. Secretary Mar Roxas is in—is still the SILG. He’s still busy. Over the weekend, he was in Boracay, I think, protecting the ancestral domain of the Ati. So he’s in the midst of doing his job as Secretary of Interior and Local Government,” aniya pa rin.


Ayaw namang magkomento ni Sec. Lacierda kung isang viable na kandidato si Roxas sa 2016 election lalo pa’t nakaladkad ang pangalan nito sa ilang kontrobersiya noong nagdaang taon.


Desisyon aniya ng Pangulong Benigno Aquino III kung sino ang mapipisil niyang pumalit sa kanya at manukin sa 2016 election.


Bukod dito, malayo pa aniya ang eleksyon at ayaw niyang pangunahan ang magiging desisyon ng Punong Ehekutibo.


Sa kabilang dako, wala namang pakialam ang Malakanyang kung nagbabalak man si Vice-President Jejomar Binay na kumalas sa PDP-Laban at bumuo ng bagong partido para sa kanilang dalawa ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto bilang paghahanda sa 2016 elections.


Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, 849 araw na lamang ang administrasyong Aquino kung saan nakatutok sa pamamalakad ng bansa at hindi sa nalalapit na halalan.


Binigyang diin nito na hindi kailanman sumagi sa isip ng Chief Executive ang eleksyon dahil nakatuon ang pansin nito sa governance.


The post Mar-Kris sa 2016 election dedma sa M’cañang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mar-Kris sa 2016 election dedma sa M’cañang


No comments:

Post a Comment