Monday, March 3, 2014

Cunanan may banta sa buhay – DoJ

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na direktang nakatatanggap ng banta sa seguridad si Technology Resource Center Director General Dennis Cunanan, maging ang kanyang pamilya.


Dahil dito, mas pinaigting na ng DoJ Witness Protection Program at National Bureau of Investigation (NBI) ang seguridad kay Cunanan at pati na rin sa pamilya nito.


Sa kabila ng natatanggap na banta sa seguridad, tuloy pa rin ang pagharap ni Cunanan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa ika-6 ng Marso.


Ayon kay de Lima naisyuhan na si Cunanan ng subpoena at ang patawag ng Senado ay hindi umano maaring balewalain.


Sa pagsisiwalat ni Cunanan, kabilang siya sa mga nagproseso ng mga dokumento para mailipat ang bahagi ng pork barrel fund nina Senador Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile sa mga non govt organization na kunektado kay Janet Lim Napoles.


The post Cunanan may banta sa buhay – DoJ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Cunanan may banta sa buhay – DoJ


No comments:

Post a Comment