Wednesday, March 26, 2014

Barbosa kasalo sa top spot

SUMIKSIK sa top spot si Pinoy GM Oliver Barbosa matapos ilista ang panalo at tabla sa nakalaban na super GMs sa nagaganap na 19th International Open Grandmaster Chess Tournament 2014 sa India, kagabi.


Nakalikom ng 6.0 pts. si No. 11 seed Barbosa, (elo 2564) papasok ng ninth at penultimate round at kaagaw nito ang pitong GMs sa unahan.

Pinataob ni 27-year old Barbosa si super GM Levan Pantsulaia (elo 2606) ng Georgia matapos ang 89 moves ng English opening sa round seven.

Inabot naman ng 39 sulungan ng Slav ang labanan nina Barbosa at GM Gujrathi Santosh Vidit (elo 2602) ng India sa eighth round na nauwi sa fighting draw.

“Pahirap ng pahirap habang tumatagal ay palakas ng palakas ang mga nakakalaban sana makatagal tayo para hindi malaglag.” wika ni Barbosa na nakapaglaro sa World Chess Cup nakaraang taon.

Masusubukan ulit ang tikas ni Barbosa dahil isang super GM na naman ang kanyang makakalaban sa round nine.

“Super GM ulit ang kalaban ko sa susunod sana may lakas pa akong mag-isip para maganda ang maging resulta ng laban natin.” pahayag ni Barbosa.

Susunod na makakalaban ni barbosa si No. 3 seed Landa Konstantin (elo 2645) ng Russia.

Bukod kina Barbosa at Vidit, ang ibang 6 pointers ay sina Indian GMs Abhijit Kunte (elo 2439), M.R. Babu Lalith (elo 2585), B. Adhiban (elo 2608) at S.P. Sethuraman (elo 2578) at GM Ziaur Rahman (elo 2486) ng Bangladesh at Konstantin.

Samantala, nakahabol ng bahagya sina top seed at ranked No. 2 GMs Nigel Short (elo 2674) ng England at Sergey A. Fedorchuk (elo 2647) ng Ukraine.

Pinagpag ni Fedorchuk si IM Ly Moulthun (elo 2429) ng Australia habang tabla ang laro ni Short kay Pantsulaia.

The post Barbosa kasalo sa top spot appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Barbosa kasalo sa top spot


No comments:

Post a Comment