Tuesday, March 25, 2014

Ex-beauty queen sugatan sa ambush

SUGATAN sa pananambang ang isang dating beauty queen at ngayon ay konsehal ng Paombong, Bulacan nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kagabi, Marso 25.


Isinugod sa Malolos Provincial Hospital (MPH) pero inilipat agad sa University of Santo Tomas Hospital sa Maynila sanhi ng tama ng kalibre 45 sa batok at sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Diane Cervantes, 32, councilor sa bayan ng Hagonoy at naging second runner up ng Ms Earth 2006.


Blangko pa ang pulisya kung ano ang motibo at kung sino ang bumaril sa biktima na inilarawang 33-35-anyos, nakasuot ng itim na jacket at puting helmet.


Sa ulat, naganap ang insidente alas-7:45 kagabi sa national highway ng San Isidro II sa Paombong, Bulacan.


Ayon sa Paombong police station, bago ang insidente ay nagmula ang biktima sa maghapong aktibidades sa munisipyo.


Dahil gabi na, nagpahatid ito sa kanyang staff na si Romelita Cervantes sa motorsiklo ng munisipalidad.


Pagsapit sa lugar, may bumaril sa gulong ng motorsiklo kaya sumemplang ang mag-amo sa kalsada.


Habang nakataob sa kalsada, lumapit ang isa sa suspek at binaril si Cervantes ng dalawang beses habang hindi naman idinamay si Cervantes. Tumakas ang gunman sakay sa hindi naplakahang motorsiklo.


Si Cervantes ay 2nd runner up sa Ms. Earth 2006 at pumasok sa pulitika noong 2010 at ikatlong termino na niya ito bilang konsehal.


The post Ex-beauty queen sugatan sa ambush appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ex-beauty queen sugatan sa ambush


No comments:

Post a Comment