NAMATAY ang isang menor-de-edad, samantalang sugatan ang dalawang iba pa nang mahulog sa bangin ang isang bisikleta sa Balatan, Camarines Sur.
Kinilala ng awtoridad ang namatay na si Reymark Marticio, 10, Grade 5 pupil.
Nakaangkas ang namatay sa bisikleta ng kanilang 14-anyos na kaibigan kasama ang 13-anyos na kapatid na galing sa excursion.
Habang masayang nagbibisikleta ang mga biktima, bigla na lamang nawalan ng kontrol ang 14-anyos nilang kaibigan sa minamanehong bisikleta sanhi upang mahulog ang mga ito sa 30 talampakang bangin.
Nagkapinsala sa tiyan si Reymark na naging sanhi ng kanyang kamatayan habang nasugatan naman ang kanyang kapatid at nabalian naman ng buto ang kanilang kasama.
The post Bike nahulog sa bangin; 10-anyos tigok, 2 minors sugatan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment